Biyernes, Hulyo 27, 2012

PROJECT SA ECONOMICS IV

KATANUNGAN NA MAAARING MASAGOT NG EKONOMIKS:


  • Paano nakakaapekto ang  panahon o klima sa demand ng produkto o sa ekonomiya?


HYPOTHESIS:



Para saakin ang klima ay nakakaapekto sa demand ng produkto o sa ekonomiya sapagkat ang produkto ay mas magiging patok sa mga mamimili sa kapanahunan ng isang produkto.

Halimbawa, ang halu- halo ay mas mabili  tuwing tag-      araw kaysa tag- ulan.


MGA NAKALAP NA DATOS:


  • Ayon sa Production Function ( tumutukoy sa pangkalahatang ugnayan ng mga salik ng produksyon at ang kabuuang dami ng mga produktong nagagawa ng isang bahay-kalakal ), sa Time Utility  ang klima ay nakakaapekto sa produksyon sa pamamagitan ng pagbebenta ng isang produkto sa tamang pagkakataon o dapat naaayon sa klima.

  • Ayon din sa mga salik na nkakaapekto sa demand kung saan ang panahon o klima ay isa rito sa mga salik ay nasasaad na ang demand ng mga namimili ay maaaring magbago ayon sa panahon o klima.


  • Ang panahong tag-init ang mas nakakaapekto o nakakapagpataas ng demand ng produkto.

  • Ayon sa asnswers.com : Dahil sa klima ang produkto ay bumabagal ang pag-poproseso sapagkat ang klima ay lubos na nakakaapekto sa pagbuo nito. Nakakaapekto ang klima sa ekonomiya ng isang bansa sapagkat, dito natin malalaman kung ano ang mapapakinabangan natin sa istruktura ng lugar. Dito tayo kumukuha ng mga sangkap upang matugunan ang ating mga pangangailangan.


KONLUSYON:

  • Ang klima o panahon ay talagang nakakaapekto sa demand ng isang produkto o sa ekonomiya ng bansa. Sa pag-aaral nito, malalaman natin kung ano ba talaga ang maaari nating mabili o magawang produkto na papatok sa atin. Ang pag-aaral na ito ay malaki ang maitutulong sa mga tao lalo na sa mga gumagawa o nag titinda ng isang produkto..